• Home
  • About
  • Subscribe
  • Recent Posts
  • Categories
  • Archives
  • Blogosphere
  • Recent Comments
  • Music ♪ ♫ ♪
  • Credits
Ego Failed ExponentiallyCorrelate Any Possible TitleSummer House PartyOnly God Knows WhyContinuity between You and MeI'm DoomedFrancis Magalona ♪ ♫ ♪Facebook Graffiti ManiaLive - Throwing Copper (Album) ♪ ♫ ♪The Aluminum Ladder
Beergarden Nights Birthday Civil Engineering Tropa (Wednesday Group) Chemical Engineering Tropa (ChEn-ChEn) Chemical Engineering College Displeasure Environment Family Graffiti Heart Beat High School Katrina Halili LRT- Instituto Cervantes Magallanes Mapua Ownage Music ♪ ♫ ♪ NCAA Olympics Pacman Philippine Institute of Chemical Engineers - JCMIT Poetry Sali Ako Sari-sari Sexy Time Short Story St. Jude Wooot
April 2002 November 2004 December 2004 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009
  • Current Posts
  • Alex Gervacio Alex Molina Allan Solano Andrei Bernal Bjay Tuazon Carl Ruiz Christian Cuevas Cristina Roig Dexter Panganiban Dotty Grace Illustre Emmeline Co Enrico Cacho Erica Diamante Euen Balasico Eunice Pauline Cambay Eva Vakmuya Feddie Marc Perez Ferbert Bautista Henry Anima James Reido Perico Janet Paed Janine Monasterial Jerome Pe John Roman Tuazon Joliber Mapiles Kenneth Punongbayan Kim Jose King Daddy Rich Kristine Carandang Lanie Yu Leyn Sosyalera Loricar Arboleda Lyndsay Cabildo Manuel Marcaida III Maria Shella Ann Mendoza Marinel Tumangday Mary Rose Galfo Meryl Ann Dulce Mia Sortijas Miguel Nicolas Sy Mommy Lei Monarch Mamba Noime Balaba Nikolai Moreno Pauee Kae Ocampo Popoy Inosentes Ray Anthony Alino Rem Gugol Ricel dela Paz Ryan Pardique Sachi Panganiban Samin Ella Sarj Malanyaon Sherwin delos Santos Stephen Advincula Tieza Santos Utak Munggo Yce dela Cruz Yujin Yoshimura
    Common Dishwalla Francis Magalona HedgeZero July for Kings Live Musikang Bayan Paramita Pinikpikan Sugarfree Weeband Zelle
    4Shared Blog Catalog Cbox ChE Resources Dynamic Drive Feedburner Fileden ForumW Free Blogger Template Google Adsense Green Pinoy Forums Iconspedia Julien De Luca Jeroen Wijering Mapua Ownage Forums Nuffnang Philippines PhilBoxing Forums Pinoy Exchange Forums Photobucket Sali Ako Forums Yahoo Geocities Yahoo MyBlogLog Youtube
    • Subscribe to kirksays! Subscribe Now!

      Subscribe to kirksays to receive regular updates fast!

      or Subscribe through e-mail and all this direct to your inbox:

      • This text will be replaced
    • Search Site

    CPU

    Tuesday, March 28, 2006

    May sira ang CPU ng pc ko ngayon at hindi ko alam kung madumi ang loob, power failure, OS failure, a possible virus o nasusunog na naman ang hard disk. Last year nasunog ang hard disk ng cpu ko na 40 gigs dahil sa 24/7 nakabukas ang pc ko. Now I can't afford to stay online na hindi lalagpas sa 1 hour, else mamatay ang pc ng mag-isa. Dito masususbukan ang IT knowledge ko.

    Wala akong ginawa ngayon kung hindi manuod ng pelikula araw-araw sa cable channels. The best film na napanood ko sa movie marathon na ito ay ang Brooke Edison or Brooke Ellison Story. Basta ganun ang title niya, the story is about a disabled young lady na nagtapos sa Harvard University ng Summa Cum Laude.

    The worst film na napanood ko, edi saan pa kung hindi sa Cinema One. Ang title ay Ang Babae sa Dalampasigan starring Ynez Veneracion and other unknown starlets. Isa itong sexy film na walang ginawa ang mga starlets kung hindi magsex all day sa bangka, sa bahay, sa torre, sa tabing dagat o sa kung saan magpagtripan. Ang pinakanakabobo sa pelikula ay pinilit i-konek ng gumawa ng story ang sex sa dalampasigan at ang kanilang concern sa kalikasan.

    Natatawa talaga ako sa isang linya sa pelikula, ang trabaho kasi ni Ynez Veneracion dun ay pagtitinda ng tahong. Sabi ng isang lalaki dun na gusto niyang matikman ang tahong ni Ynez. Pero maganda ang acting ni Ynez dun kaya napagtyagaan kong panoorin, may ilang sex scene lang na hindi maganda ang pagkakakuha, may iba naman na madadala ka.

    I've created another simple dish na alam kong magugustuhan niyong matikman. Dalawa lang ang ingredients na kailangan. Limang piraso ng Bibbo Hotdog tyaka 4 table spoons ng honey.

    Procedure: Initin ang kawali ang ilagay ang honey. Kapag mainit na ang honey ilagay ang mga hotdog at lutuin sa pinakamahinang apoy. Antayin na maging malagkit na malagkit ang honey yung tipong dumidikit sa mga ipin mo kapag kinain. 30 minutes kong niluluto sa pinakamahinang apoy ang mga hotdog. Masarap kapag Hershey's Chocolate Drink na kasama.

    Labels: Sari-sari, Wooot

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 12:13 AM   0 Comments

    Tigang

    Thursday, March 23, 2006

    Nagpatuloy ang video marathon namin ng kapatid ko sa mga old home videos namin tuwing madaling araw. Pinanood namin kanina ang 7th birthday ko at ang linaw-linaw parin ng tape sa vcr player.

    Tawa kami ng tawa sa mga itsura namin nung bata pa kami. Ang itim ko sa birthday ko (kakagaling ko lang sa outing) at napakakulit ko, lahat ng games present ako at talagang bibong-bibo ako. Sister ko naman, 2 years old palang siya dun at ang laki-laki niya sa edad niyang iyon parang 4 years old na siya. Lagi siyang karga-karga ng Papa namin. Yung father ko naman feeling Tom Cruise, pero gwapo talaga yung tatay ko sa video, mother ko sexy talaga siya at mahaba ang buhok niya tyaka halatang galing sa parlor.

    Hindi ko mayabang pero mukha talagang bata ang parents ko kasi nag-asawa sila nung 3rd year engineering student palang ang father ko sa FEU tapos yung mother ko naman ay 2nd year food nutrition student sa PWU. Both of my parents were forced to stop schooling dahil nabuo na ako.

    My sister is not going any younger anymore, pero iba talaga ang pakiramdam kapag sex ang topic niyo gaya kanina. While watching our old video, nakita namin yung tita namin tapos inaalagaan niya yung pinsan namin. Sabi ng kapatid ko buti at hindi pa pinapanganak yung bunsong anak ng tita namin na makulit.

    Gusto ko sanang humirit na kaya hindi pa pinapanganak yung pinsan namin kasi nasa bayag pa siya ng tito namin, pero hindi ko nalang sinabi sa kapatid ko kasi nahihiya ako sa kanya. Natatawa ako sa sarili kong isip nung oras na iyon, tapos biglang humirit yung kapatid ko na, "Oo nga pala kuya, sperm cell tyaka egg cell palang yung pinsan natin". Nakahinga ako ng maayos, pero kahit papaano nagulat parin ako dun, knowing na may edad narin ang kapatid ko pero iba talaga ang pakiramdam sa side ko to hear that for the first time on my younger sister.

    Akala ko tapos na ang lahat. Habang nanunuod kami ng video, may girl talk ang kapatid ko sa kaibigan sa text. Mayamaya tinanong ako ng kapatid ko, "Kuya, ano ibig sabihin na tigang?". Ang hirap i-explain, sabi ko sa sarili ko papaano ngayon ito. Nagbigay nalang ako ng situation na kapag may bagay ka na ginawa, tapos hinahanap-hanap mo siya, tigang ang tawag dun. Tapos sabi ko sa sister ko, "Like sex?" Niligaw ko pa siya sa explanation pero ibibigay ko rin sa huli haha!

    Labels: Family

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 5:30 AM   0 Comments

    Bad Trip

    Wednesday, March 22, 2006

    I had a terrible night. Wala tuloy akong ganang magsulat ng matinong post ngayon, pero magsususlat parin ako. Nagkaproblema na naman ako kahapon, buti nagawan ko na ng solusyon kanina. Tuloy hindi pa ako natutulog mula kahapon dahil sa nangyari sa akin. Ganito na lang ako, kapag may problema ako walang nakikinig sa akin. Seryoso, napakadami kong kaibigan at barkada, pero wala pa akong nasasabihan sa kanila ng problema ng seryosohan. Masayahing tao kasi ako, kaya akala nila hindi ako tinatablan ng problema sa mundo. Well except for JP, he knows my problems, pero he ignored me.

    Kanina dahil sa badtrip ako, tinakpan ko yung mukha ko ng 2 malaking unan ko at tatlong beses akong sumigaw. Sumigaw talaga ako kahit na alas-tres ng madaling araw. Pagkatapos lumabas ako ng kwarto at pumunta sa banyo. Sampung minuto akong naghilamos para mahimasmasan naman ang galit ko, effective nawala ang bigat ng loob ko.

    Bago ako bumalik sa kwarto, nakita ko yung tripod ng videocam ko. Para maaliw naman ako nilabas ko ang lahat ng mga videotapes ko at pinanuod ko lahat. Napakadugyot ko talaga nung bata ako. Stress reliever talaga at pampagaan ng loob ang makita mo ang sarili mo nung kabataan mo sa video.

    Napanood ko rin ang dance showdown ng mga pinsan ko nung new year ng 2002, ang liliit pa nila dun, nakakatuwa yung mga sayaw nila. May sumayaw ng Angelina ala Sexbomb at yung It Wasn't Me ni Shaggy. Tapos napanood ko rin yung documentary namin nung freshman college pa ako, natatawa ako sa pinaggagawa namin sa walls ng Intramuros.

    Ang hindi ko makita sa mga tapes ko yung Jackass naming magpipinsan. Holy cow, 4 days ang shooting namin nun sa mga kalye ng Makati at puro katarantaduhan ang pinaggagawa namin. May eksena dun na nag t-bak yung kapitbahay namin at naglakad sa kalye at ng binugbog nila yung kapitbahay namin ng totohanan (Marco). Pinakanakakaloko yung eksena na kunwari may children's party sa bahay namin at lahat ng bata sa kalye pinapasok namin sa bahay, mga dalawangpung bata ang naloko namin dun. Nagtataka yung mga bata kung bakit walang pagkain, walang lobo at walang cake silang makita. Hindi nila alam nakacostume ng nakakatakot ang mga pinsan kong lalaki. Hahaha! Nag-iyakan at nagtakbuhan ang mga bata sa labas nung naglabasan na ang mga pinsan ko. May mga trip pa kami dun na censored at kapag nalaman niyo baka sumakit ang tiyan niyo kakatawa.

    Matutulog muna ako.

    Labels: College, Family

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 6:52 AM   0 Comments

    New Year

    Monday, March 20, 2006



    Picture ko with my family, wala si Papa nasa abroad. New Year ito kinuhanan pero kahapon ko lang na-upload yung pictures. Masaya naman ang New Year namin, madaming pagkain at umulan ng paputok. Pero nagkulong ako sa kwarto ko nung araw na iyan.

    Bakit ako nagkulong? Basahin mo na lang yung previous posts ko nung December, sino ba naman ang gaganahang magcelebrate ng New Year? Tatandaan ko lang ginawa ko nun ay nagconcert kami nila Rydeen, Lala, Jay at Jaypee sa YM. Ilang oras kaming nagkantahan sa YM, tapos may news portion pa kami at love problem portion.

    Suot-suot ko nga pala sa picture na iyan yung commemorative t-shirt ko nung SEA Games sa Manila. Fanatic kami ni Happy sa SEA games, kung saan-saan kaming napadpad para lamang manuod ng laban ng Pilipinas. Nakapanood kami ng gold medal match at napakasarap ng feeling na makapanood ng Pinoy Athlete na manalo ng Gold ng live.

    Labels: Family, Sari-sari

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 7:08 PM   0 Comments

    Summer

    Ang daming nasirang plano. Dapat nasa Baguio na ako ngayong araw na ito. Ang plano ay ngayon kami aalis, pero it was moved to March 27. Pero sabi ni Ate Lhyn hindi na daw ito matutuloy, naiintindihan ko naman sila dahil kung sa akin rin mangyayari iyon wala rin akong ganang mag-enjoy sa Baguio.

    Niyaya naman ako ni Ate Sunny sa Puerto Galera at ang alis namin ay sa Thursday tapos babalik kami ng Manila sa Sunday. Pero hindi ako makakasama kasi may pupuntahan ako ng Friday. Bukas naman ang alis nila Marielle papunta ring Puerto Galera. Sayang.

    Manunuod na lang ako ng sine pero ang problema wala akong kasama tyaka basag ang salamin ko. Ayaw ko ng mangyari yung nanuod kami ng Kingkong after ng final examination namin nung 2nd term, nagcelebrate kaming mga double degree students dahil halos pasado kaming lahat sa Organic Chemistry 1. Sila lang ang nag-enjoy sa sinehan kasi ang labo labo ng mata ko, tapos nasa taas pa kami nakapwesto. Maganda naman yung movie kahit nakadilat ako buong magdamag.

    Kakatapos lang ng 3rd term sa school, nasa galaan na naman ang Mapuans, kasi naman 4 terms in a school year ay napakabilis. Minsan wala ka ng oras gumimik pa. Siyempre ako nasa galaan kapag weekends. Balita ko paunti ng paunti ang double degree sa batch ko, maraming bumagsak sa Organic Chemistry 2 tapos maraming umalis gaya ko. Si Arjei naman nasa Canada na at si Debz ay pinabalik na ng Zamboanga. Labingdalawa na lang ata silang natitirang matibay. Ako ayaw ko ng mag-double degree, mag-shihsift na lang ako sa Chemical Engineering. Kasi ang plano ko, i'll take MBA after college.

    Hindi ko alam kung mag-aaral ako ngayong 4th term or itutuloy ko ang pagtratrabaho. Sa March 29 na ang enrollment ng batch ko, kung mag-eenroll man ako ano naman kaya ang kukunin kong load? Mag 15 units kaya ako para full load at para makabawi naman ako dahil hindi ko pinasukan ang subjects ko this 3rd term.

    Enrollment na naman. Gustong-gusto ko pa naman ang mga eksena sa school kapag enrollment. Umuulan ng pera. Makakakita ka talaga ng mga bundle of 1000 pesos, yung nakikita natin sa TV. Each term a student pays an average of 21-30k, 4 terms kami, do the math.

    Ang laki-laki ng kinikita ng $@$%%%@#% Yuchengco na iyan! May mga fees pa na kahina-hinala. Gaya ng 25 pesos na bayad ng student per term sa Student Council. in a year 100 pesos ang bayad per student sa student council. 16,000 ang students sa MIT, so sa isang taon 1.6 million ang nakukuha ng Treasury sa amin. Hindi naman napupunta sa student council yung pera na iyon. Ang kakapal ng mukha nila. Kailangan pa gumawa ng projects ng S.C. para lamang makakuha ng pera.

    At gaya ng inaasahan ko, masarap na ang umaga ko. Wala ng busina ng mga kotse. Maluwag na sa Makati Avenue at sa Burgos. Biglang lumuwag ang kalsada tuwing umaga. Ganyan naman ang trend tuwing bakasyon. Kailangan maging productive, ewan ko kung ano ang magandang gawin, hindi ko alam kung saan pupunta.

    Malapit na ang annual reunion ng aking classmates nung highschool, sana hindi na maulit pa yung letseng nangyari sa amin last year. Pati yung outing namin ng ROTC Batchmates ko malapit na. Tuloy rin ang plano kong pagbibigay ng 15 lecheplan sa 15 babae sa buhay ko sa Mapua. Ako ang gagawa ng lecheplan na iyan kasi marunong na ako.

    Labels: College

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 4:29 PM   0 Comments

    The Eye

    Thursday, March 16, 2006

    I therefore conclude that Queenie's third eye is open. I'm not a fan of Nginigg nor believe that there is really a third vision in every human that is yet to be opened. Believe me, something weird really exists behind my sister's back ever since we were just kids. Just 30 minutes ago, I heard my 14 year old sister crying in front of my mom, confessing that she had experienced another mysterious attack, this time from a man on her cell phone.

    The story, at 7'oclock this evening, my sister received a phone call from Hershey's mother. She told Queenie that her daughter hasn't come home yet and was wondering whether Hershey was staying at our house.

    Queenie hurriedly called and texted all of her classmates, then she found out that Hershey was actually at their classmate's house. So what my sister did is she called on Hershey's phone to check her, when a mysterious man answered the phone then the man just hangs up seconds later.

    My sister called on the landline of the house where Hershey is staying, Hershey told my sister that her phone was actually off since yesterday, and then my sister was totally freaked out! Queenie started crying when she was talking to our mom about the incident.

    Professionals could explain this situation as cross-line incident on telecommunication networks. But damn, this is not the first time my sister had an encounter with these terrestrials. I'm not saying that the man who answered the phone does really not exist.

    When I was still in high school, my mother is forced to sleep at her best friend’s house after an event in their company. My sister sleeps with our mom so she had to spend the night all alone. About 12 in the midnight, my sister knocked on my room's door and ask me if she could stay with me until the sun rises because she could hear voices coming from kids or should I say small people calling her name on their room. The whole night my sister was bothered and she shivered with tears. I was confused on what to feel, should I be trembled or be alarmed?

    The same year, my sister was watching television late in the evening at our Grandmother's ancestral house, when she saw a beautiful lady at the window looking at her. It is impossible to see a lady at the window because Queenie is in the second floor of the house.

    Incidents are yet to be proven but my sister would never tell lies just to catch attention, I've known her since the day she was brought out in this world. The only thing that I believe is that, if there is really something going on between the eclipse of the living and the unreal, these individuals’ needs prayers from us.

    Labels: Family

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 11:57 PM   0 Comments

    Cuida: to take care of

    Tuesday, March 14, 2006

    Astig ang bagong kanta ng Sugarfree. Cuida ang title ng song. New single ito from Sugarfree's Repackaged Album Dramachine. Ebe continues to amaze me, he just penned another song of love unfolds against a soul-ish melodic rock backdrop called 'Cuida' which means "to take care of" in Chabacano!

    Hindi pa siya available sa Limewire hahahaha kuripot talaga ako!

    Labels: Sari-sari

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 5:06 AM   0 Comments

    Puerto vs. Baguio

    Monday, March 13, 2006

    Gusto kong pumunta ng Baguio at Puerto Galera this summer. Pwedeng-pwede pero may conflict.

    March 20 - Alis ko with ChECUTE! (Chemical Engineering CUTE) papuntang Baguio. Babalik kami ng Manila sa 23 ng hapon.

    March 23 - Puerto Galera Trip with Marielle and company.

    I have to choose between this two outings at ang pinili ko ay ang Baguio. Leche masarap pa naman kasama si Marielle.

    Labels: College

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 1:28 AM   0 Comments

    ROTC Batchmates

    Tuesday, March 07, 2006

    Kausap ko kanina si Sir Kenneth Espiritu, yung upperclass ko nung officer pa ako sa Mapua ROTC. Si Sir Espiritu ngayon ang nag-iisang 1st Class officer ng Mapua ROTC. Nung time na naging upperclass ko siya COCC ako tapos 2nd Class palang siya nun at 4 pa ang 1st Class.

    Sinabi sa akin ni Sir Espiritu na ang papalit sa kanya ay si Angel Jose Suarez. Si Suarez ay batchmate ko sa ROTC, sabay kaming pumasok sa Corps bilang COCC. 24 kaming 2004-Alpha na naging 4th Class Officer, pero pagkatapos ng ilang term sila Suarez at Kristel Miranda na lang ang natira kasi unti-unti kaming umalis ng Corps.

    Akala ko talaga si Cambronero o si Lee ang matitira sa batch namin, pero si Suarez ang pinakamatibay sa amin, syempre pati si Miranda. Saludo ako sa mga batchmates ko at pagbutihan na lang nila ang paghawak sa Corps next school year.

    Labels: College

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 10:14 PM   0 Comments

    Scanner

    Pumunta si Tito Jojo sa bahay kanina, hinanap niya ako sa Mama ko. Pumunta yung Tito ko sa kwarto at sinabi na i-scan ko naman mga picture niya.

    Ok naman ang lahat ng biglang bumanat ang Mama ko, "Paano yan Jojo, walang ink ngayon yung scanner ng anak ko?".

    Harhar.

    Labels: Family

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 8:54 PM   0 Comments

    Shera's Magic

    Friday, March 03, 2006

    Shera got me with that one. Almost! Shera sent me an application file sa YM, with a filename of "Magic.exe" 170kb ata yun. Matapos ko madownload, i-clicked it pero walang program na lumabas!

    Maya-maya may image na lumabas ng isang babae. Amp! Mabuti na lang nakaturn-off ang speakers ko (syet 4 pa naman speakers ko plus sound woofer) at tyaka nangungulangot ako nung lumabas yung image ng babae na nakakatakot.

    Pero limang beses kong i-nopen yung file kasi ang tagal bale limang beses rin lalabas yung image. Hindi ko muna bubuksan ang speakers ko. Shera ang pasaway na Electrical Engineer! Lumabas ulit yung babae habang tinitipa ko ang entry.

    Labels: College

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 9:15 PM   0 Comments

    Alipunga

    This photo caught my attention from Monsy's blog. LOL.

    The Story:

    May dormate (roomate or kabuilding basta) si Mon na malikot, makati at may alipunga ang kamay. Ang tapang niyang gawin yun sa mga tao na kakilala niya. Talo-talo bale, I have already read a post from Monsy few weeks ago about this stealing incident. During that time, as far as I can remember, may suspect palang si Mon. But I didn't expect na weeks after, inulit ulit nung tao na yun ang pagnanakaw na yan. Now, kung titignan niyo sa image, nakalagay sa sinulat ni Bjorn na may nakahuli na sa magnanakaw, caught in the act!

    Natutuwa talaga ako sa ginawa ni Bjorn at Monsy na nagpost sila right infront of the door of their room ng ganyang note. Kung pwede lang makita ang reaction ng magnanakaw na iyon kapag nakita o nabasa niya ang note na iyan.

    Again, natutuwa ako sa ginawa nila Monsy sa note na iyan at tyaka minsan na rin akong nanakawan ng harap-harapan. Sophomore ako nung High School, assigned ako that day to clean the class. Katangahan ko, nilagay ko yung bagong wallet ko with 2 thousand pesos plus identification cards sa bag. Then nakasabit yung bag ko sa upuan sa harapan ko, hindi naman sa tanga pero I'm on a catholic school kaya kampante ako na wala namang ganung mangyayari. Then, pauwi na ako nawala na yung bag ko sa harapan ng upuan ko, when I went out, nanduon ang bag ko beside the door.

    Nawala na ang wallet ko! Hindi na ako naghabol pa, pero kinabukasan my friend told me na nakita niya ang classmate ko na hawak-hawak ang bag ko palabas, hindi naman niya alam na may kinukuha na pala yung tao na iyon sa bag ko.

    Hindi na ako nagsalita, umiwas na lang ako sa tao na iyon at hindi na ako nagwallet pa. Hindi na rin ako nagdala pa ng malaking amount ng pera sa school kahit kailan. Kasalanan ko rin naman from the very beginning kung bakit nangyari iyon.

    Labels: College, Wooot

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 2:19 PM   0 Comments

    Fat Joe

    Kahapon nakakain ako ng isang authentic shawarma at the LRT Station. I consider it authentic kasi hindi sila madaya sa mga customers kahit na malayo ito sa mga original shawarmas in the middle east specially in Turkey (Turkey; part of it is in Asia, the other half in Europe amazing isnt it?) ! Promote ko lang + Babba Shawarma @ LRT - Central Station +. (My Dad was able to eat an authetic Turkish shawarma abroad at malayong malayo daw ito sa mga shawarmas in Manila)

    Kasi yung branch ng Babba @ Pasay - Taft, walang kwenta madaya sila kasi hindi marami yung beef tapos puro garlic sauce lang at greens. Unlike sa Babba at Central, talagang lahat ng sahog kumpleto at marami, then the guy ask me kung gusto ko ng hot sauce, I said yes kasi yung hot sauce sa ibang outlet ng Babba ay walang kwenta. Without knowing, literal na hot sauce talaga yung sa outlet ng Babba Central! Wahahahaha! Masaya tuloy ako kasi pakiramdam ko sulit na sulit ang 40 pesos ko!

    Then pumunta ako sa school to get the copy of the tape nung foundation day from the CSC, kudos to Kuya Mau at Mackoy. I saw Krista at the entrance, along with her is the Chemical Engineering Handbook na sobrang laki at sobrang bigat, I ask her bakit dala dala niya yun ehhh sa mga 4th year students yun, she told me na kailangan lang nila ng Experimental Values for Physical Chemistry.

    Nakasalubong ko si mahal Ningning and her boyfriend Aleph, the two really look good together.

    I had a bad LRT ride when I was about to go home, shit! A gay fat man (who looks like a real man) looks at me differently! Parang nang-aakit, shit! Then I pretended na hindi ko siya nakikita, then yung upuan sa tabi ko (nakasandal kasi ako sa pintuan ng tren) ay walang nakaupo, so umupo yung biik na yun dun tapos ang landi landi niya sumipsip ng straw sa iniinom niyang green tea, so awful ang pangit tignan nakakasuka! (Note: Foods and drinks are prohibited inside the trains) Thank God, nasa Buendia na kaagad so I hurriedly went out of the train! Fuck that pervert! Dapat sa EDSA station ako bababa para makapag MRT ako but I decided na wag na lang! I'm sick of that fat man.

    Labels: College, Sari-sari

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 8:24 AM   0 Comments

    E Kasi Bata

    Thursday, March 02, 2006

    Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong magkulong sa bahay ng 2 linggo. Ash Wednesday kasi kaya pumunta ako sa Mapua para magsimba. May napansin lang ako na kakaiba sa lugar namin.

    Hindi pa ako nakakalayo sa bahay may napansin na akong iba sa Makati Avenue at sa Manila:

    *Nagbukas na ang 2 bagong restaurant sa Makati Ave. Kakain ako minsan dito.
    *Tinaniman ng mga puno ang island sa pagitan Gil Puyat at Makati Avenue.
    *Umaasenso ang industriya ng pirated dvd's sa kanto ng Gil Puyat at Makati Avenue.
    *Umiinit lalo, that means summer is coming. Outing!
    *Maaliwalas ang hangin ngayon, kahit may usok parin pero mas masarap langhapin!
    *Mas lumiliit ang shawarma servings sa kanto ng Gil Puyat at Taft
    *Napakaluwag sa LRT! Mas marami na kayang tren? Nagjejeep na lang ang tao o kaya FX? O sadyang sunod-sunod lang ang pagdating ng tren?
    *Gumaganda ang kapaligiran ng Manila City Hall.

    Mga hindi nagbago sa tingin ko:

    *Masangsang parin ang amoy ng canteen sa Mapua! Godamn it, napakamahal ng tuition fee namin!

    *Mainit parin sa gym!

    *Parating puno ng customers ang Starbucks sa Pacific Star! Hindi ako makapila!

    *Walang air-con sa ibang tren ng LRT!

    Damn it! Kahapon, kahit na wala akong pasok, binigyan ako ng Nanay ko ng 500 pesos kasi alam niyang kailangan kong magliwaliw! Sa katangahan ko nawala ko yung 500 pesos sa loob ng Mapua! Katangahan buti pinautang ako ni Chris ng 500 pagkatapos kong magsimba sa chapel with Mommy Dianne, Kuya Mau, Mackoy, Happy, Herchel at JC. Nakita ko rin si Ms. IE, Sheena Raye Carlos, maganda pala siya sa malapitan at kasama pa niya boyfriend niya (i think, sige na nga friends lang sila).

    Napansin ko lang, medyo walang buhay ung pari sa seremonya, kaya ayun nagtawanan na lang kami sa labas, kasi naman may pasaway na nagpatugtog ng Sheryn Regis songs habang nagmimisa, ehh nasa labas kami kaya rinig na rinig namin.

    Masaya naman ako at nakasama ko ulit ang Batch 2002, so sad may gragraduate na next term. Ganun talaga ang buhay pero magkikita-kita rin kami sa industry in 5 years hahahaha! Nakita ko rin mga batchmates ko na si Rachelle na na miss ko talaga! Nykol with his good news, some bad hahaha! Kita ko rin si Jumbo pero malayo siya sa amin.

    Habang nagkwekentuhan kami may nalaman akong 2 intriga. Hindi ako tsismoso pero involved ako dito kaya dapat aware ako.

    + Hindi lahat ng tao sa ChE-CHM ay masaya sa resulta nung Cardinals. Nakakagulat ay may involved na faculty. (Sana hindi totoo)
    + Isang ME student ang pinsan ng kaklase ng isang babae sa buhay ko. Kilala niya ako.

    Pabayaan na natin sila, hindi ko na papakialaman pa yan at matutulog na lang ako.

    Hindi na ako nakakapanood ng tv ng madalas pero talagang sinusubay-bayan ko ang Extra Challenge ngayon dahil mga bata ang featured nila. Ang kukulit ng mga bata gaya nila BJ Forbes at Sam Bumatay, E Kasi Bata! ang episode nila.

    A part of the show is a debate between the girls and the boys. Paolo ask them "Sino ang mas magaling na presidente, babae o lalaki?". Then Sam said, "Sino ba ang presidente ng Pilipinas ngayon?, edi si Gloria Macapagal-Arroyo!". So she means that girls are more effective leaders than boys. Hindi ko inaasahan that BJ Forbes will tell this, "Oo nga ehh bakit siya ni-rarally?". Hahahahahahaha! I'm not into politics pero ang sakit ng tyan ko kakatawa dahil dun! These kids were really entertaining to watch.

    Ayun after Extra Challenge, kumuha ako ng isang malaking Toblerone sa ref at yun ang hapunan ko, nung naubos ko na natulog na ako.

    Labels: College, Sari-sari

    posted by ™ДĜДLОПД

    @ 9:39 AM   0 Comments

    « Home » « Ego Failed Exponentially » « Correlate Any Possible Title » « Summer House Party » « Only God Knows Why » « Continuity between You and Me » « I'm Doomed » « Francis Magalona ♪ ♫ ♪ » « Facebook Graffiti Mania » « Live - Throwing Copper (Album) ♪ ♫ ♪ » « The Aluminum Ladder »